Panaginip lang ba?

December 14, 2011 in journal, music, Suzette Lyn's Music

My cousin

Alam nyo ba halos gabi gabing kong napapaginipan ang aking pinsan na sumakabilang buhay.  Kung aking tatantyahin umaabot na ng 4 na buwan na sya lagi ang nasa aking panaginip.

Noong una naisip ko baka nahingi lamang ng dasal si Amy, o di kaya’y may nais lamang siyang iparating sa akin.  Pero ang masakit noon, sa bawat panaginip ko buhay na buhay sya at parang tutoo ang bawat sitwasyon na kasama ko siya.

Kahapon sumagi sa asip ko ang hirap na pinag daanan ng aking paboritong pinsan.  Oo nga, yung hirap na dinanas nya sa mundo noong siya ay nabubuhay pa.  Pero alam nyo ba ang masakit noon..  ay kung paano nya nilisan ang mundong ito.

Hayaan nyo ikwento ko sa inyo ang sakit at hirap na dinanas ni Amy o Joyce.  Isang gabi na ginahasa sya ng pinsan ng kayang asawa sa Quezon City.  At matapos patayin ng salarin ang aking pinsan ay patuloy pa nitong ginahasa si Amy sa loob ng 3 tatlong araw kahit sya ay malamig na bangkay na.

Sana sa pamamagitan nitong blog na ito, malaman ko ang dahilang kung bakit patuloy ko syang napapaginipan.  Kasi sa bawat sandaling naaalala ko sya ay nasasaktan ako at lumuluha.

Pero alam ko may dapat kong tingnan ang magagandang bagay sa kabila ng masakit na nakaraan ng aking pinsan.  Siguro isa tong malaking dahilan para maramdaman ko kung gaano ako kapalad at hanggang ngayon nandito pa rin ako para sa anak ko.

 

”Dyos ko, patuloy mong ipakita sa panaginip man o katotohan na kasama kita saan man ako naroroon, amen.”

 

 

 

“Buhay” by Suzette Lyn

Music Composition of Suzette Lyn Michaelsen

 

Suzette Lyn
Suzette Lyn D. Michaelsen suffered on Post Traumatic Stress Syndrome for more than two decades. Until one day a friend of her accidentally introduced The Law of Attraction. Since then she is practicing and aligning herself on the positive thoughts and vibrations to continue life’s journey with a total recuperation.

Comments are closed.