Dad sana inantay mo man lang ako

December 25, 2011 in journal, poetry

December 25, 2011
17:11 at the plane in Madrid heading amsterdam

Ngayon dumating na ang kinattkutan ko.  Na pumanaw ang myembo ng pamilya ko ng wala ako s pinas.  Ang sakit di ko man lang nakitang buhay ang daddy.  Sana nasabi ko man lang s kanya na mahal n mahal ko sya.

Two weeks ago, tumawag ako sa kanya. Sbi ko namimiss ko n sya, tapos sbi nyaeh di uwi ka.. Natawa ako kasi parang ang dali nman.  Ang mahal kaya ng pamasahe.  Pero ngayon heto ako s eroplano, bumili ng napakamahal n ticket kasi pumanaw ang dad ko.  Oh kung sana umuwi n lng ako ng pinas noong isang linggo eh di sana nakasama ko man siya kahit sandali.

Ngayon alaala na lang nya ang hinihugutan ko ng konti g lakas.  Yung huling pagkakataon nakita ko sya at nasabi ko, na mahal ko sya.  Yungbhuling pagkakataong sinabi nyang “anak mahal n mahal kita” kelan p b yun? Eh halos isang taon at kalahati na..  Oh daddy, sana inintay mo man lang ako, at least nasabi ko for the last time na mahal kita at maakap man lang kita ng mahigpit.  Kasi  nyon damang dama ko pangungulila ko sa iyo.  At ang ang alala ng huli nating pag kikita ang niyayakap ko sa sandaling ito.

Daddy, nasan ka?  Please lang yakapin mo ako kasi sabikna sabik na ako sayo.  Bagamat alam kong mapayapa k n ngayon sana man lang nayakap kita for the last time.

Daddy i really really love you

Daddy i really really love you


Paboritong anak

Sana inantay mo man lang ako ng isang araw
Sana narinig mo man lamang ang tinig ng iyong paboritong anak
Sana nahaplos ko man lamang ang iyong mga kamay
Sana nasilayan man lamang kita bago ka pumanaw

Oh aking ama, damang dama ko ang pangunglila
Di ko man lang nasabing heto ako at maligaya
Upang iyong dalhin sa langit ang tagumpay ng iyong pabiritong anak
Oh di sanay akoy siguradong maligaya kang pumanaw

Paano ko hahanapin ang bukas na wala ka
Paano ko lalabanan ang sakit ng iyong pagkawala
Oh sana aking ama, inantay mo man lang ako ng isang araw
Upang masabi mo sa akin kung paano ko tatanggapin ang iyong pagpanaw

“dear daddy, i really r eally love you! And you know that…”

Suzette Lyn
Dad sana inantay mo man lang ako

One Comment

    1. Suzette Lyn says:

      Daddy, i wanna see you na… Im still in amsterdam and i cant get any flight

Dad sana inantay mo man lang ako

0 Trackbacks