Kahon

February 22, 2011 in journal

Kahapon kinuha ko ang package ko galing sa UK.  .  Siguro naging parte na ng pag laban ko sa homesickness ay pag bili ng sarisaring bagay sa internet, at ang pinaka exciting part ay kapag nakita ko na ang package kung gaano kalaki.  So kahapon lumundag ako sa saya kasi ang laki ng kahon.

Nasa sasakyan pa lang ako binuksan ko na ang nasabing package..  then kinuha ko kaagad ang items at inilagay sa bag ko.  Pag dating ko sa bahay iniligay si Kahon sa garahe na kung saan nakatambak ang ilang kahon na pinaglagyan din ng mga pinag bibili ko sa internet.

Then sabi ko sarili ko, “Katuwa naman, matapos akong maexcite sa laki ng kahon, itatambak ko lang dyan at iintayin kung kelan itatapon ng asawa sa Resteplads (or tapunan)”

Ganyan ang buhay, eenjoy nating ngayon, maexcite tayo sa kung ano anong pangyayari sa araw araw.  Pero darating ang panahon, matatapos ang lahat at itatambak lang ang ating katawan sa isang lalagyan.

“Dyos ko, padalhan mo ako ng package na kung saan madadala ko sa kabilang buhay, Amen”

Suzette Lyn
Kahon

2 Comments

    1. Isaac says:

      kaya dapat kung ipanghahandaan natin! ang buhay natin sa lupa kung saan ang lahat ng mga bagay ay temporary lang at kumukupas. dapat ganun din sa ating ispiritual na buhay. pag namatay tayo diretso tayo sa langit kung lahat ng mga bagay ay permanente.. God Bless.

    2. Suzette Lyn says:

      Salamat sa wisdom

Kahon

0 Trackbacks