Heto ako!

January 20, 2012 in featured, journal

Heto ako, tao lang!

Heto ako, tao lang!

Heto ako. Nag simulang ipikit ang mata. Mag buntong hininga. Huminga ng malalim.. ipinofocus ang isipan at nagsisimulang magdasal. Ang tao nga naman, kapag nasasaktan, nahihihina at nangangailangan, biglang nakakaalala sa taas.

Matagal na din since na tumawag ako sa kanya. Kasi katwiran ko wala naman akong hihilingin so ang taas ng confidence ko nanadyan lang sya parati sa akin at sinasamahan ako sa buhay. Oh yea, ni hindi nga ako nakapagpasalamat eh. Basta recieve lang ako ng recieve tapos enjoy lahat ng blessings to the max.

Pero ngayon, heto ako nasasaktan, nanghihina at walang lakas. Nangayon heto ako nangangailangan ng lakas para sa maghapon. Heto ako walang ibang hinihingan ng tulong kunti ang nasa Taas.

Ang sama ano? kung di pa namatay ang Tatay ko di ko pa maalalang tao lang ako at kailangan ko pa rin ang nasa taas.

Heto ang buhay, ganyan talaga at least may time pa akong kumapit muli sa kanya.

 

“Tahan na anak ayaw ko ng naiyak ang anak ko”! -Daddy (July 2005)

 

“Lord, pasensya na, masyadong masaya ang life at nakalimot ako na heto lang ako.. Tao lang ako!” -Suzette Lyn
Suzette Lyn

Comments are closed.