Sa karimlan

March 6, 2011 in featured, poetry

Minsan nakakapagtaka

Kung saan patungo ang aking mga paa

Hindi matunghayan ang dapat na patungahan

Tila  ang ulap ay napakairap

Maging ang araw ay ayaw sumikat ng lubusan

Mata’y napapagod sa kakahanap ng pagdadatnan

Ang madamdaming ihip ng hangi’y halos di maramdaman

O makabagbag damdaming karimlan

Samahan ako liwanag na di masilayan

 

Suzette Lyn
💉👩🏻‍💻✍️🎼🛫🗺🎤🎹🎞📖🍷🍫🛍👠💄👗Quantum Mechanics, neuroscience, metaphysics, the law of attraction, neurology, Eleutheromania, esoteric, biocentrism, Orch OR, songwriting, blogging, poetry, vector graphics,

Comments are closed.