Sana nga may langit

February 16, 2012 in featured, journal

source: www.ewtn.com

source: www.ewtn.com

Ang sama ng title ko ano?  Para akong nanlamig ng husto sa aking faith sa taas.  Parang kinuwestyon ko ang existence ng Dyos.  Parang ano ba? naniniwala pa ba akong may Dyos.

Oh yea, ang mga chismosa mag sisimula ng ipakalat na si Suzette ay masamang katoliko na nawalan na ng paniniwala sa Taas.  At ang mga taong curious, ipagpapatuloy ang pagbasa ng aking blog.

Minsan nakipag kwentuhan ako sa kaibigan kong muslim.  Tinanong ko sya kung naniniwala sya sa langit.  At syempre magkaiba kami ng pinaniniwalaan, pero hindi yun ang point.. Ang issue ay….  kapag ba namatay ang isang tao nasan sya? Kasi kung ilang danish ang tatanungin mo, pag papaliwanagan ka ng science. at sasabihin kasi matanda na isang tao or normal na may end ang life ng tao.  Na kapag namatay na ang tao.. yung na yon.. tapos na ang istorya mo.

Iba’t ibang paniwala, at kung wala kang takot.. takot na baka malasin ka kapag nagtanong ko kung ano ba talaga ang totoo? eh mag tatanong ka?  sino ang tama?  ano ang tama?  Christian, Muslim, buddish, atheist etc…

Pero ngayong namatay ang Daddy ko, Heto ako nag momorokolyo at sinasabi sa sarili ko na sana may langit para alam kong maligaya na ang Daddy kasi, ang sakit na alam kong hindi sya ganon kaligaya dito sa naging buhay nya sa lupa.  Na maraming sakit na ininda ang aking ama.

Sana may langit nga…. para maligaya ng sya ngayon..

 

“Hay naku Dad, mahal na mahal kita!”- Suzette Lyn

 

Suzette Lyn
Suzette Lyn D. Michaelsen suffered on Post Traumatic Stress Syndrome for more than two decades. Until one day a friend of her accidentally introduced The Law of Attraction. Since then she is practicing and aligning herself on the positive thoughts and vibrations to continue life’s journey with a total recuperation.

Comments are closed.