AKO sa aking Panaginip

November 23, 2012 in featured, journal

Grabe ang panaginip kanina.  I was flying daw with a bird kasama ko si Daddy, si Amy  at si Rommel.  Oh yea.. In reality….  Lahat sila patay na.  I got bothered, kasi it felt real and even it was 5 hours ago, nararamdaman ko pa rin na parang nangyari sya in reality.

Here I am, parang pakiramdam ko bumabalik ako sa memorya nila.  Noong kabataan ko pa..  At pakiramdam ko nananabik ako sa memoryang yun, na para bang may kakaibang pakiramdam, tila ewan ko..  tila ba..  hinahanap ko yung sarili ko.  Yung tunay na ako na nararamdaman ko lang sa pamamagitan ng magagandang memorya na naidulot ng mga taong wala dito sa mundo.

To think about it parang pakiramdam ko yung tunay na ako ay isang memorya na lang.  Ibang AKO na ako ngayon.  Para bang isang witch doll na lang ako na gumagalaw sa will ng witch.  Oh ang sama naman ng aking example.  But for short, feeling ko ginagawa ko mga bagay para bumagay lamang sa mundong aking ginagalawan sa ngayon.

Sabi nila ang pinoy daw magaling makisama at madaling mag adjust.  Oh yes, that’s right pero ang disadvantage minsan nakakalimot na ang pinoy sa kanyang sariling identity sa sobrang pag aadjust.  Imagine, I lost my faith in 5 years, ganon kadali.. at ang reason nakikibagay sa mentality ng puti.

So ngayon totally lost ako.  Di ko alam kung saan at paano ko iresolve ang mga bagay na namimiss ko.  Either ipagpatuloy ko ang nasimulan kong adjustment or umatras ako pabalik sa pagiging ako para hindi ako mawala sa pagiging AKO..

”Yan ang buhay! hindi madali, laging may trials  ” tanda ko pa ng sinabi ni Daddy… but as long as alam ko pa rin ang mga bagay nawawala sa akin.  Siguro ginigising lang ako ng Daddy, ni Amy at ni Rommel.  Para i remind sa akin na masaya at contenting ang buhay ko noong panahong kapiling ko sila at I need to continue my journey on that way….. di ba?

The past is never dead. It’s not even past.

William Faulkner

Suzette Lyn
Suzette Lyn D. Michaelsen suffered on Post Traumatic Stress Syndrome for more than two decades. Until one day a friend of her accidentally introduced The Law of Attraction. Since then she is practicing and aligning herself on the positive thoughts and vibrations to continue life’s journey with a total recuperation.

Comments are closed.