Get’s mo?

December 10, 2015 in featured, journal, poetry

dad

Minsan.. di maitago mo na kapag malalim ang gabi, tahimik ang kapaligan.. parang naghahanap ng kung ano.. Oh ano nga ba yun?.. parang memory lang ang laman ng isip ko.. gets mo ba?

Yung tipong gusto mong alalahanin kung paano ang pag buka ng bibig nya.. at pag ihip ng hininga nya.. pero nananatili lamang alalala na pilit mong hinuhogot sa kalaliman ng iyong utak..

Ganyan kapag iniwan ng ka ng isang tao o siguro dalawa o tatlong kasi nananamabik ka.. pero wala kang way para marinig muli yung tinig nila.. kasi .. kasi … kasi wala na sila dito.. Get’s mo?

Masakit man sabihin.. iniwan nila ako dito sa mundo.. na may alalaala ng kanilang boses, hininga na pati ang buka ng bibig, pilit na pilit kong ginugunita.. gets mo ba?

Sana.. sana mayroon man lang video na naiwanan para kahit panuorin ko ng maraming beses ay marelieve man lang pangungulilala ko. Parang si Jam Sebastian, kahit wala na sya sa mmundo pwede mong i youtube at alalahanin mga alaala nya. Pero heto ako pilit kong hinahabol ang mga natitirang alaala na naiwan sa utak ko.  Pero kulang di ba? Bagamat mayroon alala mayroon pa ring pakiramdan na gusto kong marinig ang mga boses at bulong na to mula sa kanya..

Pero.. pero heto ako.. naiiyak na lang kasi imposible. Tipong ganito na lang.. mabubuhay ako sa alaala ng ewan ko at di ko mapaliwanag. Kung sana’y maibabalik ko lang ang panahon.. at kung maibabalik ko lang.. wala akong gagawin kundi pakingan ang mga tinig mo para sa panahong iwanan mo ako.. may sapat akong alaala sa panahon ng pangungulila.. Get’s mo?

Suzette Lyn

Comments are closed.