Come ’on pipol!

December 13, 2015 in featured, journal

menu_of_life_185211

 

 

Naranasan mo na bang umiyak tuwing gabi at sabihing ”Ay ang sakit naman!” Naranansan mo na bang mangulila tuwing gabi at sabing ”Kung maibabalik ko lamang!” Minsan pilit nating ginugunita yung magagandang bagay na naiwan sa atin ng ating minamahal, Minsan pilit nating ginagalit ang tadhana para muling ibalik ang nakaraan, para lamang bigyan ng isa pang pagkakataon ang mga puwang na naiwan sa ating buhay.

Pero ang buhay ay hindi ganyan. Kailangan nating labanan ang sakit at katotohanan na sa bawat kabanata ay may katapusan. Bagamat hindi ”happy ending” at least ang katotohanan na dapat na nating tanggapin nasa bawat katapusan ay may ending.  It doesn’t make sense, di ba?  Yun nga yung point ko eh! Na sa bawat hinaing natin.. it doesn’t make any sense kasi, alam na natin end na nga ang lahat.. ibig sabihin Period! walang kasunod!!!

Oh teka bago ako makalimot…. Sabi ko di na ako naniniwala na Diyos ang nag kokontrol ng buhay natin. Hindi ang Dyos ang nagdidisyon sa ending na buhay natin.

Para sa akin.. Di tunay yung destiny. Di tunay yung may isang makapangyarihan na tutulong sa iyo para magkaroon ka ng magandang buhay.  Bakit nga ba? Come ’on pipol! Di pa ba sapat ang katibayan na ang life story ko ay di batay sa bibliya at destiny. Ang istorya ko ay katunayan na tayo lamang ang makakapag desisyon at tayo lamang ang may kapangyarihang sa ating destinasyon. At kung ngayon ay masaya ako o malungkot man ay walang may kasalanan kung di ako.. dahil ako.. at ako lamang ang gumawa ng dahilan para ituloy ko ang istorya ng buhay ko.

 

“If you only knew”

Suzette Lyn
Lyrics: Suzette Lyn

Arranged by: Jacob Michaelsen

Suzette Lyn
💉👩🏻‍💻✍️🎼🛫🗺🎤🎹🎞📖🍷🍫🛍👠💄👗Quantum Mechanics, neuroscience, metaphysics, the law of attraction, neurology, Eleutheromania, esoteric, biocentrism, Orch OR, songwriting, blogging, poetry, vector graphics,

Comments are closed.