You are browsing the archive for tula.

Init ng gabi

April 10, 2011 in poetry

Mainit ang gabi Ako’y di mapakali Walang katahimikan Ang buong katawan Mainit subalit walang pawis Hating gabi subalit di mapanatag Dulat ang mata at naghahanap lamig subalit giniginaw kapag walang saklop sa katawan Alam ko ikaw lamang ang kailangan Sa bawat katamlayan ikaw lamang ang hanap Oh sana tuwing mainit ang gabi Kapiling kita at ako’y nilalambing   Share on Facebook

Bagsik ng mga mata

December 2, 2007 in poetry

BAGSIK NG MGA MATA Malakas ang alon Malakas ang hangin Pinagsamang lakas na nagbibigay lamig Lamig na nagbabadya Na sapat ang lakas Upang matakot sa paligid kong ito Kung iyong mamasdan Iyong mababanaagan Bagamat mabagsik ito’y tahimik naman Yaring takot sa aking isipan Ay walang katuturan Sapagkat kung aking nanamnamin ito’y napakapayapa Share on Facebook

HUBARAN

May 20, 2006 in poetry

HUBARAN Halika giliw Unti-unti mong alisin ang saplot ng katotohanan Saplot na humahadlang sa ating pagmamahalan Pigilin ang damdamin Yaring takot ay iwaglit Painitin ang gabi Iparamdam ang pigil Alisin ang saplot At sa akin ay iparamdam Init ng katotohanang Iyong sinasaplotan Hubaran ang katotohan Ilantad yaring hubad lumilinglang Ako’y hubad ng iyang natalima Nawa’y alang-alang sa pag-ibig Mahubaran din kitang lubusan 2:22 5-20-06   Share on Facebook

Do NOT follow this link or you will be banned from the site!