Singer: Suzette Lyn
Composed by: Suzette Lyn de Roma Michaelsen
Lyrics: Suzette Lyn
Music of: Jacob Michaelsen
Produced by: Jacob Michaelsen
First Rain Falls in May By: Suzette Lyn de Roma 6:28am May 12, 2006 I woke with fear Awaken my sensitivity Rains falls fears me Noises of rain drops Dreading my heart Astonishing Rain falls Doomed to failure I wanna stay in bed I don’t wanna get up I just wanna feel The first Rain Falls in May Patak ng ulan sa buwan ng Mayo ni: Suzette Lyn de Roma May 12, 06 11:54am Bawat sulyap, bawat tingin; patak ng ulan ay aking nadarama. Ayokong tingnan subalit waring gustong masdan, Ayokong titigan subalit mapilit ang malikot na mata. Ayokong maramdaman pero ako’y nanghihina. Ayokong maniwala, pero katotohana’y di maikaila. Sulyapan man saglit; ang lalim ng kirot at humahaplos sa pangungulila. Pakinggan mo ang aking tinig, iisa ang aawitin, Musikang pinangako’y aking hinaharana ang pusong nagdusa, Ang bawat tunog na iyong iniwan, aking aawitin magpakainlan man Sapagkat ng tinig koy para sa iyo magpakailanpaman. Kung kaya kong liparin ang himpapawid, ay aking gagawin Hindi iindahin mga sugat ng nakaraan, maging ang ulang daanan Makapiling lamang ang aking kundiman. Pakinggan mo ang aking tinig, umaawit ng pag-ibig Naway ang patak ng ulan ng mayo magdilig ng pag-asa Sapagkat ayoko na muling sumulyap, ayoko ng tumingin at mangarap Naway dumating ang panahon na sa bawat pagpatak ng ulan sa buwan ng Mayo Kita’y kapiling at sabay nating inaawit ang musikang ating pinagsaluhan. GET THE COPY OF MY ALBUM “MY MUSIC AND MY LIFE”

