Tonight

Singer: Suzette Lyn
Composed by: Suzette Lyn de Roma Michaelsen
Lyrics:  Suzette Lyn
Music of: Jacob Michaelsen
Produced by: Jacob Michaelsen

 

 
HIWAGA SA DAPIT HAPON
Ni: Suzette Lyn de Roma
May 12, 06 12:47pm
 
Dahil Pighati’t pagdurusa
Tuwing dapithapo’y napapaluha
Hiwagang bumabalot sa init ng kapaligiran
Ako’y nasaktan
Akoy’ nangungulila
Paamo at pagsusumamo’y
Hindi man lang pinakinggan
Kaliwat’ kanang pagdusa’y
Akala ko’y magsisilbing batayan
Upang sang-ayunan ng mahiwagang mapanghatol
Ang pag-ibig na hinadlangan
Akala ko’y langit ay nagbibiro
Sinususubok lamang yaring pagsinta
Akala ko’y tadhana’y di matatawaran
Subalit pananalig ay biglang naglaho
Nang ika’y pikit matang
Nagparaya’t napalaya
Ang sabi moy pag-ibig yaring dahilan
Subalit pag-ibig kumirot sa kalooban
Di makahon sa lugmok ng pagdurusa
Hiwaga’y sinisi upang akoy lisaning nag iisa
Sa dapithapong matalimhaga
Pagsapit ng dilim ako’y mag iisa
Luha’y di maikaila, natatakot sa nakatakdang kadiliman
Puso’y muling nangungusap upang muling haplusin
Subalit mailap, sa ingay ng aking panawagan
Walang umuyon, ni walang nakinig
Subalit ang pag-ibig ko’y mahiwaga
Gabi man o araw ang lumipas
Hawak kong pangako’y aking pagtatagumpayan
Umaga’y darating upang ako’y pagbigyan
O giliw ko, ako’y nangungulila, nalulumbay ngayong wala ka
Sana’y luha ko’y maiipon at maging lakas, Upang pukawin ang liw
Subalit akoy natatalimhalahan, sapagkat maging ang langit ay umiyak karimlan
Sapagkat maging ang langit, Umiyak sa karimlan

GET THE COPY OF MY ALBUM “MY MUSIC AND MY LIFE”
Itunes

Amazon

Yahoo Music

Rhapsody

Spotify

Leave a Reply

You must be logged in to post a comment.